Para ituloy ang tagumpay ng bansa matapos pormal na kilalanin ng International Seabed Authority (ISA) ang ‘Talampas ng Pilipinas’ noong isang buwan, naghain ng panukala si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino para tutukan ang pagpapaunlad sa naturang teritoryo para pakinabangan ng bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2996, target ni Tolentino ang pagbubuo ng Talampas ng Pilipinas Development Authority, o TPDA.
Ang ahensya ay bubuuin ng iba’t ibang departamento at sektor para mahusay na malinang ng bansa ang ‘Talampas,’ na binubuo ng 13.5 milyong ektarya ng undersea mass sa hilagang-silangang karagatan ng Luzon.
Ayon kay Tolentino, ang ‘Talampas’ ay “simbulo kapwa ng kasarinlan at natatanging yaman ng Pilipinas.”
“Nakapaloob sa Talampas ang potensyal para pagyamanin ang ating mga rekurso sa enerhiya, marine biodiversity, at ecotourism,” ipinunto ni TOL sa kanyang explanatory note.
Inaatasan ng SB 2996 ang TPDA na pag-isahin ang mga hakbang ng pamahalaan para pagyamanin ang mayamang teritoryo, gayundin ang proteksyon nito.
Kasama sa mga responsibilidad ng TPDA ang pagsiguro sa paglinang sa Talampas na naaayon sa development priorities ng bansa. Kaugnay nito ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Economy Planning and Development (DEPDev) ang lupon ng mga direktor na mangangasiwa sa ahensya.
Bilang suporta sa TPDA, naghain ng hiwalay na panukala si Tolentino para magtatag ng Talampas ng Pilipinas Oil Corporation, na partikular na tututok sa eksplorasyon ng energy resources ng rehiyon.
Si Tolentino ang punong may-akda ng Philippine Maritime Zones Act (RA 12064) na nagtaguyod sa poder ng bansa sa Talampas at sa inaagaw na West Philippine Sea, alinsunod sa itinatakda at prinsipyo ng international law.
post comments
Together We Rise: A Campaign for Everyone