Sinuyod ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang iba’t ibang lokalidad mula Gitnang Luzon hanggang Timog Katagalugan nitong Sabado.
Sa kanyang talumpati sa magkakahiwalay na pagpupulong sa Porac, Pampanga; Tanauan, Batangas; at Biñan, Laguna, nanawagan si Tolentino sa mga botante na pumili ng mga kandidatong may integridad, track record, at malinaw na plataporma de gobyerno.
“Ang problema at pangamba araw-araw ng karaniwang mamamayan ay magkakapareho, saan mang bahagi ng bansa sila naroroon. Gayundin, ang mga Pilipino ay pinagbubuklod ng magkakatulad na pangarap, gaya ng komportableng buhay, edukasyon para sa kanilang mga anak, at disenteng trabaho,” ipinunto ni Tolentino.
“Kung kaya’t krusyal na pumili ng mga lider na may integridad, track record, at platapormang kumakatawan sa pangarap ng mga Pilipino para sa kanilang pamilya, komunidad, at bansa,” diin nya.
Ibinahagi rin ni Tolentino ang kanyang adbokasiya para pababain ang presyo ng kuryente at internet sa ngalan ng mga ordinaryong konsyumer.
Si TOL ang punong may-akda ng Senate Bill 2970, na maggagawad ng eksempsyon sa elektrisidad at internet mula sa 12% value added tax (VAT).
Si Tolentino rin ang may-akda at nagtanggol sa Philippine Maritime Zones Act (Republic Act 12064). Nilalayon nitong pagtibayin ang poder at karapatan ng bansa sa teritoryo at exclusive economic zone nito – kabilang ang West Philippine Sea at Talampas ng Pilipinas (dating Benham Rise) na may mayamang deposito ng mineral, langis, at natural gas.
post comments
Together We Rise: A Campaign for Everyone