Lipa City, Batangas – Patuloy na isusulong ni reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang kapakanan ng barangay frontliners. Kasunod ito ng pagpasa sa dalawang panukalang mas magpapalakas sa batayang yunit ng pamahalaan sa bansa.
Sa isang pagpupulong kasama ang 70 kapitan ng barangay sa Lipa, idinetalye ni Tolentino ang nilalaman ng Senate Bill (SB) 2815, na nagtatakda sa termino ng barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials. Ipinaliwag nya rin ang SB 2838 o Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs).
“Mahigpit kong sinuportahan ang mga panukalang ito dahil batid ko ang mga realidad sa ibaba bilang dating lider ng lokal na pamahalaan, gaya n’yo,” ayon sa dating alkalde ng Tagaytay, Pangulo ng League of Cities of the Philippines, at Chairman ng Metro Manila Development Authority.
Nang tanungin ng isang kapitan kung maaari ring isabatas ng Senado sa susunod na Kongreso ang pagkilala sa iba pang barangay frontliners – gaya ng paggawad ng SSS at PhilHealth membership sa mga barangay tanod – ay agad namang sumang-ayon si TOL.
“Siguro hindi lang barangay tanod, kundi maging ang barangay nutrition scholars at daycare workers. Matagal kong nakatrabaho ang mga tulad nila. Batid ko ang kanilang dedikasyon, maging ang kanilang mga saloobin,” aniya.
Ang pagpupulong sa mga kapitan ng barangay ay bahagi ng mga aktibidad ni TOL sa Lipa. Nauna rito ay nag-courtesy call ang senador kay Mayor Eric Africa. Nanguna rin sya sa isang motorcade na tumigil sa palengke, kung saan kinumusta nya ang mga manininda at mamimili.
post comments
Together We Rise: A Campaign for Everyone