Ipaglalaban ni reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang pagkilala sa milyun-milyong delivery platform motorcycle riders sa ilalim ng Labor Code, kabilang ang seguridad sa kanilang empleyo, tamang sahod, at mga benepisyo.

Sa kanyang talumpati sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas proclamation rally sa Pasay, kinilala ni Tolentino ang mahalagang papel ng mga rider, at ang pangangailangan ng isang batas na sisiguro sa kanilang kapakanan at kaligtasan.

“Ang gusto pong mangyari ni Senator Tolentino, maipasa yung Gig Economy Law na ako po ang nagsusulong, kung saan yung ating delivery riders ay magkakaroon ng 13-month pay, PhilHealth, at employer-employee relationship,” saad ni Tolentino sa kanyang talumpati.

Si Tolentino ang may akda ng Senate Bill No. 1275 na may pamagat na, “An Act providing for work benefits and social protection to all delivery platform riders working in the gig economy.”

“Dahil sa kawalan ng mga ligal na pamantayan sa kanilang pag-eempleyo, bukas sa pang-aabuso at eksploytasyon ang delivery platform riders,” ani Tolentino sa kanyang panukala.

Layunin ng SB 1257 na gawaran ng mga benepisyo ang digital platform riders ayon sa Labor Code. Kabilang dito ang minimum wage, holiday pay, night shift differential, at 13th month pay. Igagawad din ang iba’t ibang benepisyo, tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at mga pamantayan sa occupational safety and health.

May solidong track record si TOL sa pagsusulong sa karapatan at kabutihan ng milyun-milyong riders. Sya ang nagpanukala ng Senate Bill 2555, na mag-aamyenda sa kontrobersyal na ‘Doble Plaka’ Law, partikular sa pagtatakda nito ng dalawang plaka bawat motorsiklo. Nakatakda nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang batas ang panukala.

Mariin ding tinutulan ni TOL ang paghuli at pagmumulta ng Land Transportation Office sa riders na gumagamit ng temporary plates. Ito’y kahit na ang pagkukulang ay mula mismo sa milyun-milyong backlog ng ahensya sa pagpoprodyus at pamamahagi ng mga opisyal na plaka.

Kumakandidato si Tolentino sa ilalim ng partdo ni Pangulong Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas, at Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

post comments